National News
₱2.5 Milyong lumber, nakumpiska sa oplan kalikasan ng CIDG
Nakumpiska ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 2.5 milyong pisong halaga ng illegal lumber sa Loreto, Agusan Del Sur.
Ito ay kasunod ng isinagawang Oplan Kalikasan na layuning mapigilan ang iligal na pagtotroso, pagmimina at pangingisda at iba pang kahalintulad na aktibidad.
Nahuli rin ang mga suspek na kinilalang sina Arjie Tulin at Johnrey Bantilo sa operasyon sa Pambujan, Northern Samar at Primo Cabuguas sa Agusan Del Norte.
Gayundin si Nerio Calos Colongon alyas Pedo, hinihinalang miyembro ng “Tigbas Illegal Loggers Group” na nagsasagawa ng operasyon sa Eastern Samar.
Habang nakatakas ang isa pang suspek na pakay din ng operasyon.
Mahaharap sila sa paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Philippines at RA 9175 o Chainsaw Act of 2002.
