Connect with us

₱20/kilo na presyo ng bigas, imposibleng makamit – Sen. Cynthia Villar

₱20/kilo na presyo ng bigas, imposibleng makamit – Sen. Cynthia Villar

National News

₱20/kilo na presyo ng bigas, imposibleng makamit – Sen. Cynthia Villar

Sa isang interview sa Senado, nang tinanong ang mambabatas na siyang chairman ng Senate Committee on Agriculture kung kaya bang ibaba sa P20per kilo ang itinuturing na staple food ng mga Pilipino ay sinabi nitong “negative”.

Ipinunto ni Villar na nasa P11.50 per kilo and presyo ng palay, dodoble naman ang presyo sa paggiling upang maging bigas.

Hindi pa kasama rito ang gastos sa transportasyon at kita ng mga magsasaka.

Para kay Villar, P30 per kilo ang ideal na presyo.

Matatandaan na sa buwan ng ni Mayo ay sinabi Pang. Bongbong Marcos na target ng pamahalaan na ibaba sa P20 per kilo ang presyo ng bigas.

Kaugnay naman sa nakaambang food crisis ay sinabi ni Villar na sa halip na palay ay sana ikonsidera rin ng pamahalaan at mga magsasaka ang pagtatanim ng gulay.

Ibinahagi din ng senador na sa kanyang farm school (Villar Sipag) ay mas malaki ang kanilang kita sa gulay.

Sa kabila nito ay umaasa si Senator Villar na sana ay magiging competitive ang Pilipinas sa rice production tulad ng Vietnam kung saan nasa ₱6 kada kilo ang kanilang presyo ng bigas.

More in National News

Latest News

To Top