Connect with us

₱4.5 billion, nalikom ng CPP-NPA-NDF sa loob ng 3 taon – NICA

Isiniwalat ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa isinagawang press conference ng National task Force to End Local Communist Armed Conflict

National News

₱4.5 billion, nalikom ng CPP-NPA-NDF sa loob ng 3 taon – NICA

Isiniwalat ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa isinagawang press conference ng National task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang bulto-bultong pondo na nalilikom ng Communist Terrorist Groups (CTGs) mula sa mga foriegn donors.

Nabangit ni Alex Paul Monteagudo, Director-General ng NICA na malambot ang puso ng foreign donors kaya naiisahan ang mga ito para makapagbigay ng malalaking halagang donasyon.

Sinabi pa ni Monteagudo na ginagamit diumano ng mga komunistang grupo ang mga Indigenous Peoples (IPs) para kumolekta ng pondo sa iba’t-ibang bansa.

Karamihan din sa natatanggap ng mga ito ay dollars at euros para masuportahan ang aktibidad ng terroristang grupo.

Dagdag pa nito, ang iba pang pinagkukuhanan ng pondo ng terroristang grupo ay ang Rebolusyunaryong Buwis Ukol sa Kaaway na Uri (RBUKU) o ang tinatawag na revolutionary tax na pangingikil sa mga negosyante na nasa malalayong lugar sa mga probinsiya.

Maliban sa terrorismo, ang nalikom na pondo ay ginagamit din para suportahan ang marangyang pamumuhay ng mga pinuno nito gaya nalang ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate na ginagamit ang pera para supportahan ang edukasyon ng kanyang anak na nasa Poland.

Sinabi rin ni Monteagudo na isang high-ranking na opisyal ng CTGs ang inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang pangangailangan sa buhay huwag lang mangikil at gumawa ng mga bagay na labag sa batas na magdudulot ng kasiraan sa bayan ngunit pinili parin nitong maging rebelde.

Ipinaliwanag din ni Monteagudo na ang iba pang kapamaraanan ng CPP-NPA-NDF para supportahan ang operation ng CTGs ay ang mga partylist groups sa Kongreso.

Ibinunyag pa nito na ayon sa mga surrenderees, ang pondong nalilikom ay direktang napupunta sa CTG’s Central Committee  at may nangyayaring korupsiyon din sa loob na naging dahil sa kanilang pagsuko.

Maliban pa sa mga nabanggit, hayagan din nitong sinabi ni Monteagudo na mayroon ding mga congressmen, governors at vice governors pati narin mga senador ang sumusuporta sa mga ito.

More in National News

Latest News

To Top