Connect with us

₱5-M pabuya, alok para madakip ang isa pang suspek sa pagpatay kay Anson Que

₱5-M pabuya, alok para madakip ang isa pang suspek sa pagpatay kay Anson Que

National News

₱5-M pabuya, alok para madakip ang isa pang suspek sa pagpatay kay Anson Que

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa ₱5-M ang iniaalok na pabuya para sa impormasyong maghahatid sa pagkaka-aresto kay Wenli Gong o alyas Kelly Tan Lim.

Isa itong babaeng Chinese na inuugnay sa pagdukot at pagpatay sa Fil-Chinese businessman na si Anson Que at sa kanyang driver.

Ayon sa Philippine National Police, si Lim ay kinilala ng 2 naarestong Pilipinong suspek bilang siyang nakipag-ugnayan sa pamilya Que gamit ang cellphone ng biktima.

Sa ngayon ay patuloy na rin ang pagkakalap ng ebidensya upang mapagtibay ang alegasyong sangkot umano ang anak ni Anson Que na si Alvin sa pagpatay sa kanyang ama.

Sa inisyal na imbestigasyon, si Alvin ang nakipag-negotiate sa mga kidnapper habang hawak nila ang kanyang ama.

Siya rin ang nagbayad ng paunang ₱10-M sa isang cryptocurrency account noong March 31 at dagdag na ₱3-M sa parehong account noong April 2.

Ilang araw lang ang lumipas ay natagpuang patay na ang kanyang amang si Anson at ang driver nito noong April 9.

More in National News

Latest News

To Top