Connect with us

₱74.3-B halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng Duterte admin mula 2016 – DILG

Pahayag ni Pang. Duterte laban sa Makabayan partylist groups, may basehan

National News

₱74.3-B halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng Duterte admin mula 2016 – DILG

Iprinisenta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa taped briefing ng punong ehekutibo kagabi, ang lahat ng mga achievement o nagawa ng kasalukuyang administrasyon sa laban nito kontra ilegal na droga.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, simula sa taong 2016, nasa ₱74.30 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng administrasyong Duterte.

Nasa 1000 drug dens at clandestine laboratories rin ang na-dismantle at na-neutralize.

Dagdag ng interior secretary, sa 35, 416 na mga barangay na apektado ng iligal na droga, 66.87% o 23, 686 na ang nalinis.

Sinabi rin Año na kayang-kaya ng pamahalaan na maging drug-free ang mga natitirang barangay bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mga ginawang anti-illegal drug operations, mahigit 319,000 na drug suspects ang nahuli, halos 14,000 dito ay high-value targets kabilang na ang mga foreign national, uniformed personnel, mga government employee, pati elected official.

4,806 minors naman ang na-rescue ng mga awtoridad sa mga ginawang operasyon.

Binigyang diin ni Año na sa pangkalahatan, ang laban ng kasalukuyang administrasyon sa iligal na droga ay nagresulta ng pagbaba ng drug crime volume ng Pilipinas ng hanggang 41% at pagtaas ng crime solution efficiency hanggang 85%.

Tumaas din aniya ang crime conclusion efficiency ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top