National News
1.6 milyong Filipino sa buong bansa, gumagamit ng iligal na droga ayon sa pangulo
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na halos 1.6 milyong Filipino ang gumagamit ng iligal na droga sa buong bansa.
Sinabi ng pangulo na berepikado na ang nasabing datos kung saan nasa 200 pesos kada araw o 6,000 pesos bawat buwan ang ginagastos ng isang user para pambili ng droga.
Tinawag ng presidente ang mga ito na alipin ng droga, partikular ng shabu.
Dagdag ni Duterte, magagamit na sanang pambili ng pagkain at sa edukasyon ng kanilang pamilya ang ginastos na pera ng mga user sa iligal na droga.
Simula noong manungkulan si Pangulong Duterte noong 2016 ay mahigit 5,000 drug suspects na ang nasawi dahil sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan na tinawag namang “bloody drug war” ng mga kritiko ng administrasyon.