Connect with us

1.6K OFWs mula sa North Mindanao, nabigyan ng ₱32.5-M tulong sa kalagitnaan ng pandemya — OWWA

Hindi bababa sa 1,645 na OFW sa Northern Mindanao ang nakinabang sa ₱32.5-M tulong pinansyal sa nakalipas na dalawang taon.

National News

1.6K OFWs mula sa North Mindanao, nabigyan ng ₱32.5-M tulong sa kalagitnaan ng pandemya — OWWA

Hindi bababa sa 1,645 na Overseas Filipino Workers (OFW) sa Northern Mindanao ang nakinabang sa ₱32.5-M tulong pinansyal sa nakalipas na dalawang taon.

Inihayag ito ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) – Region 10.

Ayon kay OWWA-10 Program Services Officer Eugene Mesias, ang tulong ay naibigay sa mga benepisyaryo mula 2020 – 2021 sa ilalim ng “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay” program ng OWWA.

Ani Mesias, sumailalim sa screening at evaluation ang mga benepisyaryo upang malaman ang kuwalipikasyon ng mga OFWs.

Ang Balik Pinas, Balik Hanapbuhay ng OWWA ay livelihood support program na nagbibigay ng agarang tulong sa mga nagbabalik na OFWs na nawalan ng trabaho at nabigyan ng hanggang ₱20,000 bilang pangpuhunan sa kanilang sisimulang negosyo.

Continue Reading

More in National News

Latest News

To Top