Connect with us

1.73-M biyahero, inaasahang dadagsa; Online ticketing, target ipatupad

1.73-M biyahero, inaasahang dadagsa; Online ticketing, target ipatupad

National News

1.73-M biyahero, inaasahang dadagsa; Online ticketing, target ipatupad

Inaasahan ng Philippine Ports Authority (PPA) na aabot sa 1.73-M pasahero ang dadagsa sa mga pantalan ngayong Semana Santa at summer vacation, na nagpapakita ng 3.5% na pagtaas kumpara sa nakaraang taon.

Bilang paghahanda, pinaalalahanan ng PPA ang mga biyahero na dumating sa pantalan 3 oras bago ang kanilang naka-iskedyul na biyahe upang maiwasan ang matinding trapiko.

Bukod pa rito, ipinahayag ni PPA Spokesperson Eunice Samonte na layunin nilang ipatupad ang isang online ticketing system sa lahat ng pantalan ngayong taon, na magbibigay ng mas maginhawang paraan ng pagbili ng ticket nang hindi na kinakailangang pumunta pa sa mga ticketing booths.

Bagamat hindi pa ito ganap na maipatutupad sa darating na Semana Santa, patuloy ang operasyon ng mga online ticketing system ng mga shipping lines.

Inaasahan ding magdagsa ang mga pasahero sa mga pantalan sa Batangas, Mindoro, Negros Oriental, Siquijor, Bohol, at iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Bilang karagdagang paalala, ipinatutupad ng PPA ang mga regulasyon ukol sa mga bawal dalhin sa pantalan, tulad ng matatalas na bagay, kitchen items, at flammable materials, at may ilang lokal na pamahalaan ding nagbabawal ng mga pork products dahil sa banta ng African swine fever (ASF).

More in National News

Latest News

To Top