Regional
1 high value target ng ilegal na droga, arestado sa Nueva Vizacaya
Nadakip ang 1 high value target na tulak ng ilegal na droga mula sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng PDEA RO2 Nueva Vizcaya PO kasama ang PDEA Ifugao PO, PNP DEG-SOU2, Bayombong PS, PDEU-NVPPO, at RIU2, Martes, March 4, 2025 sa Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang suspek na si alyas ‘Archie’, isang tricycle driver.
Mula sa operasyon, nakumpiska rito ng 35 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php238,000.00 sa merkado, kasama ang 2 Android cellular phone at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165.”
