Connect with us

1-M bahay, planong itayo ng Marcos Admin kada taon – DHSUD

1-M bahay, planong itayo ng Marcos Admin kada taon – DHSUD

National News

1-M bahay, planong itayo ng Marcos Admin kada taon – DHSUD

Inanunsyo sa harap ng mga subdivision at housing developer ang plano ng Marcos administration para sa industriya ng pabahay sa bansa.

Sa ginanap na National Developers Convention ng Subdivision and Housing Developers Association (SHDA) sa isang hotel sa Taguig, mismong si Human Settlements and Urban Development Sec. Jose Acuzar ang nagpahayag sa plano ng administrasyon ni Pang. Bongbong Marcos bilang tugon sa tinatayang nasa 6.5 million housing backlogs.

Pahayag pa ni Sec. Acuzar, 1 milyong bahay ang target ng pamahalaan na mapatayo sa iba’t ibang lugar sa bansa kada taon sa loob ng termino ni PBBM.

Sa press conference ay ipinaliwanag ni Sec. Acuzar na mahigit kalahati sa tantsang bilang ng housing backlogs sa bansa ay mga informal settler na pangunahing prayoridad ng proyekto.

Aniya sa lalong madaling panahon ay dapat na matugunan agad ang kanilang pangangailangan para hindi na lumala pa ang sitwasyon.

May be an image of 14 people, people standing and text that says 'Subdivisionand Housing Developers 30th SHDA Association Annua CHANGE-PROOFING CHANGE THE INDUSTRY'

Kumpara sa nakalipas na housing program, pinili ng kasalukuyang administrasyon na in-city o sa loob lang ng mga urban area para mas accessible sa mga benepisyaryo sa trabaho o sa kanilang hanapbuhay at iba pa.

Pagtiyak pa ng kalihim na magiging abot kaya ang pabahay ng administrasyon.

Aminado si Sec. Acuzar na malaking pondo ang kinakailangan para makamit ang naturang hangarin ng administrasyon.

Saad pa ni Acuzar, nasa P1 trilyong ang kinakailangan para sa 1 milyong pabahay. Ibig sabihin, nasa mahigit P6 trilyon para sa target na backlogs na hindi kaya ng pamahalaan.

Ang kaya lang anya ng pamahalaan ay nasa P36 bilyong kada taon.

Pero may nakikita silang posibleng solusyon na kanilang isusulong para maisakatuparan ito sa tulong ng pribadong sektor at ng mga lokal na pamahalaan.

Sa panayam naman ng SMNI News kay George Siy, ang chairman ng subdivision and Housing Developers Association (SHDA), tiniyak nito ang kahandaan sa pagtulong sa pamahalaan sa target na makamit ng housing program ng PBBM administration.

Ambitious project na maituturing ni Ginoong Siy ang ninanais na ito ng administrasyon.

Pero gaya ng Build Build Build Program din ng Duterte administration ay tingin nito na may significant na magandang epekto ang dala ang housing program ni PBBM.

Samantala, idinagdag din ni Sec. Acuzar na asahan ang kaliwa’t kanang mga groundbreaking ceremony sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa housing program ng Marcos Administration.

 

 

Admar Vilando

More in National News

Latest News

To Top