Connect with us

1-M target na trabaho ng DOLE para sa taong 2021, umabot na sa 60%

1-M target na trabaho ng DOLE para sa taong 2021, umabot na sa 60%

National News

1-M target na trabaho ng DOLE para sa taong 2021, umabot na sa 60%

Aminado si Assistant Secretary Dominique Tutay ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi nila maaabot sa taong ito ang target na isang milyong trabaho para sa mga apektadong manggagawa dulot ng pandemya dahil sa mga ikinikonsiderang kadahilanan.

Ani pa ni Tutay naabot naman nila ang nilalayong bilang ng trabaho na nasa 872,732 as of November habang nag-aantay pa sila ng figure para sa buwan ng Disyembre ng taong ito.

Gayunpaman ani Tutay, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang plano para sa natitira pang-anim na buwan ng Duterte administration.

Matatandaan nitong Hunyo ng taong kasalukuyan, nagsanib puwersa ang DOLE at mga business group para makalikha ng isang milyong trabaho ngayong taon matapos magpalabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte upang bigyan ng go signal ang National Employment Recovery Strategy (NERS) at ang pagbuo ng task force upang matutukan ang implementasyon nito.

Ang NERS ay isang employment recovery plan mula 2021-2022 na layong paigtingin ang “Employment, Livelihood, And Training Opportunities; Improve Employability, Wellness, at Productivity” ng mga mangagawa.

Sa ilalim ng programang “Reform, Rebound, Recover: One Million Jobs for 2021,” maghahanap ang business o employers group ng bakanteng trabaho sa kanilang mga miyembro upang maialok sa mga kuwalipikado at jobless na manggagawa.

Bukod sa mga nabangit ayon pa kay Asec. Tutay, nakikipag-ugnayan na rin sila sa DOT ngayon para magsagawa na rin ng face-to-face jobs fair.

More in National News

Latest News

To Top