Connect with us

1 naiulat na nasawi sa bagyong Goring – NDRRMC

1 naiulat na nasawi sa bagyong Goring – NDRRMC

National News

1 naiulat na nasawi sa bagyong Goring – NDRRMC

Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 1 nasawi sa bagyong Goring.

Nagmula ang nasawi sa Western Visayas na dating naiulat na nawawala ng mga awtoridad.

Pero ayon kay NDRRMC Deputy Spokesperson Diego Mariano, sasailalim pa sa berepikasyon ang naiulat na nasawi upang malaman kung may kaugnayan ito sa bagyo.

Maliban sa nasawi, wala naman naiulat na nasaktan o nawawala.

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, umabot na sa 106,677 pamilya o 387,242 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).

Habang 5,152 pamilya o 21,701 indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 293 evacuation centers.

More in National News

Latest News

To Top