National News
1 naiulat na nawawala sa bagyong Goring – NDRRMC
Isa ang naiulat na nawawala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa bagyong Goring.
Nagmula sa Western Visayas ang nawawalang indibidwal.
Wala pa namang naitatalang nasawi o nasaktan sa bagyo.
Habang umakyat na 56,410 pamilya o 196,926 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).
Pansamantalang sumisilong ang 9,608 pamilya o 35,095 indibidwal sa 376 evacuation centers.
Samantala, umabot na sa mahigit P7-M ang halaga ng tulong na naiabot ng gobyerno sa mga apektadong residente.
