Connect with us

1 negosyante, sangkot sa pamamaril sa Antipolo; 1 patay, 3 sugatan

1 negosyante, sangkot sa pamamaril sa Antipolo; 1 patay, 3 sugatan

National News

1 negosyante, sangkot sa pamamaril sa Antipolo; 1 patay, 3 sugatan

Nahaharap sa mga kasong patung-patong ang suspek sa pamamaril na naganap sa Marcos Highway, Sitio Calumpang, Brgy. San Jose, Antipolo City noong araw ng Linggo, March 30, 2025.

Kinilala ang suspek na si Kenneth, isang 28-anyos na negosyante, na nakasagutan ang biktimang si alyas “Peter,” isang 52-anyos na rider.

Ayon sa ulat, naging viral ang video ng kanilang sagutan na nauwi sa isang suntukan at kalaunan ay pamamaril.

Ayon sa mga awtoridad, tinamaan sa ulo ang biktimang si Kaloy, isang 52-anyos na negosyante, habang si Pat, isang 22-anyos na estudyante, ay tinamaan sa kanang braso, at si Don, isang 29-anyos na lalaki, ay tinamaan sa kanang dibdib nang tangkain nitong mamagitan.

Ang mga biktima, kabilang na ang misis ng suspek, ay dinala agad sa Cabading Hospital para sa agarang medikal na atensyon.

Habang tinangka pang tumakas ng suspek sakay ng kulay itim na SUV, nasukol ito ng mga pulis na naglatag ng border checkpoint sa lugar.

Ang suspek ay nahaharap sa tatlong bilang ng Frustrated Homicide, paglabag sa Republic Act 10591, at paglabag sa Omnibus Election Code.

Nagbigay naman ng mensahe si Rizal Provincial Police Office Director PCOL Felipe Maraggun, na hinihikayat ang publiko na maging responsable sa kanilang mga aksyon sa kalsada upang maiwasan ang mga ganitong insidente, at itaguyod ang respeto at malasakit sa kapwa upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad.

More in National News

Latest News

To Top