National News
1 NPA na kumikilos sa Sorsogon, kusang loob na sumuko sa pamahalaan
1 komunistang NPA ang sumuko sa mga tauhan ng 92nd Special Action Company ng Philippine National Police-Special Action Force ( PNP-SAF) at iba pang PNP units matapos ang ginawang counter-insurgency operation ng pamahalaan sa Brgy. San Fernando Prieto Diaz, Sorsogon.
Ayon kay Special Action Force Information Officer PMaj. Kristel Joy Asim, ang sumukong NPA ay kinilalang si Aljon Barcelon alyas Joaquin na kusang loob na sumuko dahil sa ayaw na umanong lumaban sa pamahalaan.
Base sa impormasyon si Aljon Barcelon ay isang Non-PSR listed CTG member sa ilalim ng Kilusang Larangang Gerilya 1, Sub-Regional Committee 3, Bicol Regional Party Committee.
Pumasok sa kilusan si Aljon alyas Juaquin noong 2017 at dito na siya natutong gumawa ng mga pampasabog.
Kasabay ng kanyang pagsuko, ibinigay din nito sa mga otoridad ang 5 improvised explosive devices na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Prieto Diaz Municipal Police para sa kaukulang dokumentasyon.
