National News
1 o 2 bagyo, inaasahang papasok sa PAR ngayong Mayo
Inaasahang may papasok na 1 o 2 bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Mayo.
Sa unang scenario ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng lalapit ito sa kapuluan ng bansa bago ito mag-recurve papalayo sa Pilipinas.
Sa ikalawang scenario naman maaaring mabubuo ito sa silangang bahagi ng Mindanao at tatahakin ang Eastern Visayas, Bicol, MIMAROPA at Calabarzon bago lumabas malapit sa West Philippine Sea (WPS).
Samantala, hinggil sa mataas na heat index, 53°C ang naitala sa PAGASA nitong Linggo, April 28, sa Iba, Zambales.
