National News
1 pang Pinoy hostage mula Gaza, napalaya na
Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na napalaya na ang 1 pang Pilipino sa Gaza mula sa pagiging hostage ng Hamas.
Napalaya si Noralyn Babadilla nitong November 29, 2023, Philippine time.
Para kay PBBM, welcome development ito lalo na’t ikinabahala aniya ng pamahalaan ang estado nito nang hindi makontak.
Pinasalamatan na rin ni PBBM ang Israel dahil sa pagsasaprayoridad ng mga Pilipino para maisali sa mga unang batch na napapalaya.
Si Babadilla na ang 2 Pinoy na napalaya kasunod ni Jimmy Pacheco noong November 24.
