National News
1 Pinay sa Singapore, nagpositibo sa COVID-19
Isang 41 anyos na Pinay sa Singapore ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon sa Ministry of Health ng Singapore, isinugod sa isolation room ng Teng Fong General Hospital ang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos makumpirmang kinapitan ito ng virus nitong Sabado, Pebrro 29 ng umaga.
Batay sa impormasyon, ang nasabing Pinay OFW ay nagtatrabaho para sa isang 61-anyos na Singaporean na unang nakumpirmang dinapuan ng COVID-19.
Mula sa 102 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore, 72 rito ang nakalabas na sa ospital, habang 30 pa ang nananatili pa rin sa mga pagamutan.