National News
1 Pinoy sa UAE, nagpositibo sa COVID-19
Isa pang Pilipino sa United Arab Emirates (UAE)ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Inihayag ng UAE Ministry of Health and Prevention (MOHAP) ang 2 bagong kaso ng COVID-19 kabilang ang isang Pilipino na nakaharap ng isang Chinese national na naunang nagpositibo sa naturang sakit.
Ayon sa ministry, nasa maayos na ang kondisyon ng isang 34-anyos na Pilipino at isang 39-anyos na Bangladeshi.
Dahil dito, umabot na sa 11 ang kabuuang bilang ng nagkasakit ng COVID-19 sa UAE bagaman binabanggit ng MOHAP na 3 sa mga ito ang gumaling na.
Ito na ang ikalawang pinoy na kinumpirma ng pamahalaan ng UAE na nagpositibo sa nasabing virus.
Inihayag naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makikipag-ugnayan ito sa pamahalaan ng UAE kaugnay ng naturang mga kaso.
