Connect with us

1 sa mga suspek sa pambobomba sa Marawi City, nahuli na ng mga otoridad

1 sa mga suspek sa pambobomba sa Marawi City, nahuli na ng mga otoridad

Regional

1 sa mga suspek sa pambobomba sa Marawi City, nahuli na ng mga otoridad

Nahuli na ng Task Force Marawi at Marawi City Police si Jafar Gamo Sultan a.k.a. Jaf/Kurot, isa sa mga kasabwat sa pambobomba sa Mindanao State University (MSU) nitong nakaraang linggo.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na huli ang suspek sa Brgy. Dulay Proper sa Marawi, positibo naman itong kinumpirma ng mga testigo na ang suspek ang naglagay ng improvised explosive device sa Dimaporo Gymnasium.

Kasabay nito ay inilabas na ng AFP ang CCTV footage na nagpapakita ng mga pinaghihinalaang terorista na sangkot sa pambobomba sa MSU-Marawi City Campus noong December 3.

Ang panibagong impormasyon na ito ay patunay na seryoso ang pamahalaan na mahuli ang mga nasa likod ng pambobomba na nagresulta sa pagkasawi ng 4 na sibilyan at ikinasugat ng marami.

More in Regional

Latest News

To Top