Connect with us

1 syudad at 4 na bayan, nakapagtala ng mataas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Aghon

1 syudad at 4 na bayan, nakapagtala ng mataas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Aghon

Metro News

1 syudad at 4 na bayan, nakapagtala ng mataas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Aghon

Nasa 1 syudad at 4 na bayan sa Southern Luzon ang nakapagtala ng malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Aghon.

Base sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) simula May 26, araw ng Linggo hanggang alas-8 ng umaga ng May 27, araw ng Lunes nasa 196.9 mm ng tubig ulan ang bumuhos sa Tayabas City sa lalawigan ng Quezon.

Sumunod ang bayan ng Infanta Quezon na mayroong 147.3 mm na ulan, Casiguran Quezon 91.5, Baler Aurora 91.2 at Tanay Rizal na mayroong 83.8 mm na tubig ulan sa pagdaan ng bagyong Aghon.

Kasunod nito May 28 araw ng Martes ang mga lugar ng Occidental Mindoro, Palawan, Western Visayas ay inaasahang makakaranas ng 50 hanggang 100 mm na rain fall.

Samantala, kahit papalayo na ang bagyong Aghon sa Pilipinas ay inaasahan parin ang malalakas na alon sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon kabilang na ang Polillo Islands.

Sa huling advisory ng NDRRMC as of May 28, araw ng Martes isa na ang kanilang naitalang nasawi dahil sa bagyong Aghon.

More in Metro News

Latest News

To Top