International News
$1 Trillion, mawawala sa Britain dahil sa Brexit
NASA 800 billion pounds o USD $1 Trillion ang mawawala sa bansa dahil sa Brexit o ang nalalapit na pagkalas ng UK sa European Union.
Ayon sa EU Global Consulting Services ay inilipat ng ilang malalaking banko at financial companies ang nasabing halaga ng assets sa ilang lugar sa Europe.
Kabilang sa mga lugar ang Dublin, Luxembourg, Frankfurt at Paris mula sa tinaguriang financial capital ng London bilang paghahanda sa Brexit.
Ayon sa Bank of England ay mas matindi pa sa 2008 financial crisis ang mararanasan ng UK.
Sakaling manaig ang No Brexit deal o ang hindi pagkakaroon ng matibay na kasunduan sa magiging relasyon ng UK sa EU matapos itong kumalas.
Nakatakda namang kumalas ang UK sa EU ngayong ika-29 ng Marso, may Brexit deal man o wala.
Habang pagbobotahan pa ng UK parliament ang magiging resulta ng iminumungkahing Brexit deal ni UK Prime Minister Theresa May sa susunod na linggo.