Connect with us

100% pagbubukas ng mga industriya, hindi inirerekomenda ng ilang eksperto

May posibilidad na ibabalik sa mas mahigpit na General Community Quarantine (GCQ) ang ilang lalawigan sa bansa na kasalukuyang nasa Modified GCQ.

National News

100% pagbubukas ng mga industriya, hindi inirerekomenda ng ilang eksperto

Inihayag ng ilang eksperto na hindi nila inirerekomenda ang 100% na pagbubukas ng mga industriya sa bansa sa gitna ng patuloy na banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dr. Butch Ong ng University of the Philippines (UP) Octa research team sa Laging Handa public briefing,  bagama’t bumababa na ang bilang ng new cases mula noong nag-timeout ang bansa nang ideklara ang partikular sa Mega Manila, ay hindi nangangahulugan na magpakampante na ang lahat.

Giit ni Ong, kailangan ma-maintain ang flattened rate sa pamamagitan ng pagtutulungan ng gobyerno at bawat komunidad, dahil kung hindi, posible tumaas ulit ang bilang ng kaso ng COVID-19 kapag nagpabaya ang bawat isa.

Sinabi ni Dr. Ong na hindi pa sila magkakaroon ng general statement na sa December ay normal na.

Gayunman, bagamat sakaling magiging  COVID-free na sa  December, dapat pairalin pa rin talaga ang tinatawag na “new normal.”

Una rito, nais ni Trade Secretary Ramon Lopez na 100% na makapag-operate na ang mga industriya sa halip na sa kasalukuyang hanggang 50 % operations lamang, upang mas marami na sa mga Pilipino ang makabalik sa pagtra-trabaho at nang masolusyunan na rin ang kahirapan at kagutuman sa bansa.

Binigyang diin naman ni Lopez na kailangan pa ring manatili ang minimum health standard kabilang na ang pagpatutupad ng mga lockdown, contact tracing, isolation, testing at treatment.

Sa ngayon, ibinahagi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing ngayong araw na mayroon nang na-test na 3,439,095 sa 104 licensed RT-PCR laboratories at 32 licensed genexpert laboratories ang bansa.

 

More in National News

Latest News

To Top