National News
10K guro at 5K staff, hanap ngayon ng DepEd
NAGHAHANAP ngayon ang Department of Education (DepEd) ng 10,000 bagong mga guro at 5,000 office staff.
Ito ang inihayag ni DepEd Sec. Leonor Briones kaugnay sa layong mapaghusay pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng improvement ng teacher-to-student ratio at workload ng kanilang mga personnel dahil sa paglobo ng bilang ng mga estudyante sa pampublikong paaralan sa bansa.
Kaugnay nito, naglaan ang DepEd ng P1.28 bilyong para sa pagha-hire ng 5,000 non-teaching positions at P1.27 bilyong para sa mga papasok na 10,000 guro.
Nilinaw ng kalihim na ang pondo ay kukunin sa kanilang 2020 proposed budget na P8.99 bilyon.