Connect with us

10pm curfew, magbubunga ng disiplina sa bansa – PNP

10pm curfew, magbubunga ng disiplina sa bansa – PNP

National News

10pm curfew, magbubunga ng disiplina sa bansa – PNP

Disiplina, ito ang nakikitang magiging bunga sa nakatakdang pagpapatupad ng 10:00 pm curfew ng bagong pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam ng Sonshine Radio kay QCPD Director PBGen. Remus Medina, makatutulong aniya ito sa pagpapababa ng bilang ng krimen sa bansa.

Sakali man aniya na maipatupad na ito sa lalong madaling panahon, aminado ang PNP na hindi lang ang publiko ang kailangang bantayan dito kundi maging sa kanilang hanay din.

Matatandaang sa pag-upo ng bagong liderato ng PNP sa pangunguna ni Police General Rodolfo Azurin Jr., isa sa mga prayoridad ng PNP ay ang kaayusan kung saan ipagbabawal na rito ang pagtambay at pag-iinom sa kanto partikular na ang 10 pm curfew sa lahat.

Sa kabila nito, bukas naman ang PNP sa mungkahi at posibleng pagtutol ng ilang human rights activists kung mamasamain ng mga ito ang nasabing panukala.

Sa kaugnay na ulat, isang panukala rin sa Kamara ang isinusulong ngayon ng isang mambabatas na magbabawal sa lahat ng menor de edad 18 pababa sa paglabas ng bahay sa dyes oras ng gabi.

Sa ilalim ng House Bill 1016 na ipinila ni bagong henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, magsisimula ang curfew hours sa alas-diyes ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

“The bill seeks to mandate and strictly implement a set of hours during night time within which minors are prohibited from remaining outside of the home not only as a means of maintaining public order and safety and preventing the further rise in criminality but also in order to protect minors from potential threat that may arise in the remote environment which may be harmful or detrimental to their development”, ani Rep. Bernadette Herrera-Dy, Bagong Henerasyon Party-List.

Isa sa mga nakatakdang parusa sa panukalang ito ay ang 48-hour community service ng mga magulang ng bata o ang multa ng hindi bababa sa P2,000.

More in National News

Latest News

To Top