International News
11 buwan na sanggol, na-rescue sa gumuhong apartment sa Moscow
HIMALANG nakaligtas ang isang 11 buwan na sanggol matapos gumuho ang tinitirhang apartment block sa Moscow, Russia.
Natagpuan ang sanggol na si Ivan Fonkin sa ilalim ng mga debris ng gumuhong gusali 30 oras matapos ang insidente noong Disyembre 31.
Nagtamo ng head injury, bali sa paa at frostbite dahil sa sobrang lamig ang sanggol.
Habang nakaligtas din ang kanyang ina mula sa gas explosion na sanhi ng pagguho.
