National News
11-M kabataan sa Pinas, ‘di pumapasok sa pormal na mga paaralan – PSA
Hindi pumapasok sa pormal na mga paaralan ang halos 11-M kabataan sa Pilipinas ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos batay sa 2020 Census of Population and Housing, mula sa 42.8-M na household population edad 5 hanggang 24 na taong gulang, nasa 10.7-M ang out-of-school children at youth.
Sa halos 10.7-M, 51.3% ay mga kalalakihan habang 48.7 ang mga kababaihan.
68.5% naman sa mga out-of-school ay nasa 20 hanggang 24 age group.
Sinundan ito ng 15 hanggang 19 age group na may 15.6% habang 12.3% ang 5 hanggang 9 age group.
Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang may pinakamababang school attendance percentage na katumbas ng 64.5%.