Connect with us

1-UTAP, inirereklamo ang pagtanggal sa ruta ng tradisyunal na jeepney

Inirereklamo  ng 1-United Alliance of the Philippines (1-UTAP) ang pagtanggal sa ruta ng tradisyunal na jeepney sa kanilang pagbabalik operasyon.

National News

1-UTAP, inirereklamo ang pagtanggal sa ruta ng tradisyunal na jeepney

Inirereklamo  ng ang pagtanggal sa ruta ng tradisyunal na jeepney sa kanilang pagbabalik operasyon.

Ito’y matapos mapagdesisyunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pabalikin na sa susunod na lingo ang mga tradisyunal na jeep.

Reklamo ng grupo, makabalik man sila sa kalsada pero magiging pahirapan ang kita sa ibibigay na bagong ruta dahil ibinigay ito sa modernized jeepney.

Ayon kay Exequiel Longares, President ng 1-UTAP, “Pinasukan na ng mga modernized jeepney at hahanapan daw kami ng mga bagong ruta. Eh bakit hindi nila inilagay, kasi may mga prangkisa kasi kami sa mga ruta na yan. Ibig sabihin, linya na namin yan. Sana itong mga bago kung may naisip silang bagong ruta dapat doon nila inilagay ang mga bago para magsimula, ang hirap magsimula”.

Ikinadismaya din ito ng mga jeepney driver dahil kinakailangan pa nilang muling sanayin ang mga mananakay sa kanilang magiging ruta.

Igiit pa ni Longares, “Inaalagaan mo ang isang rutang yan. Halos isang taon mo. Para masanay mo ang mga taong sasakay.  Noong nagsasakripisyo halos walang mga pasahero yan para lang masanay ang tao”.

Dagdag pa nito, limitado hanggang sa 60 kilometro na distansya lamang ang kanilang maaaring takbuhin lalo na sa mga nasa probinsiya.

Sa kabila nito, unti unti nang kinokondisyon ng ilang mga driver ang kanilang sasakyan bilang paghahanda sa pagbabalik operasyon nila sa susunod na lingo.

Ilan lamang sa ginagawang paghahanda ang paglalagay ng plastic divider, footbath at paglalagay ng alcohol bilang pagsunod sa health protocols at pagtiyak na masunod ang social distancing laban sa banta ng COVID-19.

Samantala, bukod sa pagpapahintulot na makabiyahe nang muli ang mga tradisyunal na jeepney, hiniling din ng naturang transport group sa pamahalaan na huwag ng limitahan sa National Capital Region (NCR) ang pagpasada ng mga jeepney dahil apektado din ang kabuhayan ng mga tsuper sa buong bansa.

More in National News

Latest News

To Top