Metro News
12 katao, sugatan matapos mag-malfunction ang elevator sa isang gusali sa Ayala Avenue, Makati City
Sugatan ang nasa labing anim na indibidwal na karamihan ay call center agents.
Ito ay matapos mag-malfunction ang elevator ng PBCom tower sa Ayala Avenue, Makati City kagabi.
Ayon kay Makati City Police Chief Senior Superintendent Rogelio Simon, nagmula sa 52 nd floor ang elevator na may sakay na 28 katao nang magkaaberya ito.
Mula sa 52 nd floor, dumausdos ang elevator hanggang sa 38 th floor bago gumana ang emergency break nito.
Gayunman, pagdating sa 12 th floor ay hindi bumukas ang elevator at muling dumausdos pababa ng ground floor.
Dito na nagtamo ng minor injuries ang mga biktima tulad ng mga bukol, pagsusuka at pagkahilo.
Agad isinugod sa pagamutan sa makati ang mga nasugatan habang inaalam pa ang dahilan ng aberya ng elevator.
DZARNews