Connect with us

12 opisyal ng NHA dapat kasuhan dahil sa anomalya sa Yolanda Permanent Housing Program – PACC

National News

12 opisyal ng NHA dapat kasuhan dahil sa anomalya sa Yolanda Permanent Housing Program – PACC

Pinakakasuhan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Office of the Ombudsman ang labing dalawang opisyal ng National Housing Authority (NHA) dahil sa anomalya sa Yolanda Permanent Housing program.

Sa pangunguna ni PACC chair Dante Jimenez, inirekumenda ng ahensya sa Ombudsman na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga opisyal na  mga dating opisyal ng NHA-Eastern Visayas.

Ayon sa PACC, nilabag ng mga ito ang Section 8, Rule 6 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Government Procurement Act at ang Anti-Graft and Corruption Practices Act.

Batay sa reklamo, may nakuhang sapat na ebidensya ang PACC Investigation Service na magpapatunay na pinaburan ng mga NHA official ang contactor na J.C. Tayag Builders, Inc. (JCTB) para sa siyam na housing projects sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Program.

Sinabi ni Jimenez na nabigo ang JCTB na kumpletuhin ang konstruksyon ng 2,559 housing units sa apat na munisipalidad sa Eastern Samar.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top