National News
12 oras na duty ng pulis sa mga lansangan, ibinaba sa 8 oras
Mula sa dating 12 oras na duty sa mga lansangan, ibinaba ito ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa 8 oras na lamang.
Layunin nito na mabigyan ng sapat na oras at panahon ang mga pulis sa kanilang pamilya habang tumutupad sa kanilang tungkulin.
Ipinag-utos ito mismo ni PNP Chief PGen Rommel Francisco Marbil kasunod nang una nitong kautusan na dagdagan ang mga tauhan nila sa lansangan upang pag ibayuhin pa ang kanilang presensya laban sa krimen at illegal na droga.
Bagama’t sa ngayon ay unti-unti na nilang pinupunan ang pangangailangan ng 85% police presence mula sa kabuuang bilang nito sa buong bansa.
Sa kasalukuyan isa rin sa prayoridad ng PNP ang pagbibigay ng health insurance sa mga pulis upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.
