National News
12 traders, importers sa umano’y onion cartel, inirereklamo
Naghain ang Philippine Competition Commission (PCC) ng reklamo laban sa 12 vegetable traders.
Ang mga ito ay sangkot sa anti-competitive agreements partikular na sa suplay ng sibuyas.
Dahil dito, nababawasan ayon sa PCC ang market competition dahil pumapasok ang traders maging ang importers ng kasunduan na sila-sila lang ang nakakabenepisyo.
Nagmimistula na anilang onion cartel ang ginagawa ng mga ito.
Sakaling mapatunayan na may paglabag ang 12 traders at importers ay pagmumultahin sila ng kabuoang P2.4B.