National News
13 Ninja cops, pinangalanan na ni dating CIDG Chief Benjamin Magalong sa senado
PINANGALANAN na ni dating PNP-Criminal Investigation and Detention Group Chief Benjamin Magalong ang labintatlong pulis na sangkot sa recycling ng iligal na droga sa Pampanga noong 2013.
Sa pagdinig sa senado kaugnay sa GCTA law, tinukoy na ni Magalong ang mga tinaguriang ninja cops na sina Supt. Rodney Raymundo Baloyo IV; Senior inspector Joven De Guzman jr.; SPO1 Jules Maniago; SPO1 Donald Roque; SPO1 Ronald Santos; SPO1 Rommel Vital; SPO1 Alcindor Tinio; at SPO1 Eligio Valeroso.
Kasama rin sa mga pinangalanan ni Magalong sina PO3 Dindo Dizon; PO3 Gilbert De Vera; PO3 Romeo Guerrero jr.; PO3 Dante Dizon; at PO2 Anthony Lacsamana na pawang mga miyembro ng Provincial anti-illegal drugs special operation task force ng Pampanga provincial police office.