National News
13 pulis sa kontrobersyal drugs operation sa Pampanga, dapat i- lifestyle check
NAIS ni Senador Richard Gordon na sumailalim sa isang lifestyle check si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde at 13 iba pang pulis na kasama sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Pampanga noong 2013.
Sinabi ni Gordon na dapat alamin kung nakinabang sina Albayalde at ang nasabing mga pulis sa operasyon noong Nobyembre 2013 sa bahay ng umano’y Chinese drug lord na si Johnson Lee.
Ito ay matapos akusahan dating PNP-CIDG Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nakatanggap daw si Albayalde at dati nitong mga tauhan sa Region 3 ng magarang sports utility vehicles (SUVs) kasunod ng naturang operasyon kung saan sinasabing nasa 200 kilograms ng shabu ang nasabat ng mga otoridad, ngunit 38 kilos lamang ang idineklara bilang ebidensya.
Bukod dito, tumanggap din umano ang mga pulis ng P50M para makaalis ng bansa si Lee.
Mariin naman itong itinanggi ni Albayalde kung saan iginiit nito na may motibo raw si Magalong kaya niya raw inungkat ang isyu sa Senado.
Pero ayon kay Gordon, hindi dapat iabswelto si Albayalde sa gagawing audit.