Connect with us

13 tauhan ng dating MILF commander, naaresto ng CIDG sa Maguindanao del Norte

13 tauhan ng dating MILF commander, naaresto ng CIDG sa Maguindanao del Norte

National News

13 tauhan ng dating MILF commander, naaresto ng CIDG sa Maguindanao del Norte

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa 13 katao na umano’y sangkot sa mga insidente ng pagdukot sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Ayon kay PNP Public Information Chief PCol. Jean Fajardo ang mga naaresto ay tagasunod ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Leader Musa Ali Alamada alyas Kumander Paradise na sisilbihan sana ng warrant of arrest ng CIDG.

Si Alameda ay nahaharap sa mga kasong kidnapping, serious illegal detention at destructive arson kaya ipinag-utos ng korte ang pag-aresto dito.

Nakatakas naman ang target sa itinurong hideout nito sa Barangay Macaguiling nang makatunog na sasalakayin ang kanilang lugar.

Maliban sa 13 tagasunod na naaresto nakuha rin sa pinangyarihan ng operasyon ang matataas na kalibre ng armas mga bala at iba’t ibang pampasabog.

Sa impormasyon mula sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region may patong sa ulo si Alameda na nagkakahalaga ng P1.2-M.

More in National News

Latest News

To Top