COVID-19 UPDATES
14-day lockdown sa Davao region, nagsimula na
Nagsimula ng ipatupad sa Davao region ang14-day lockdown kasunod ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Epektibo simula 12:00 ng hatinggabi ngayong Huwebes, hindi na basta-bastang papayagang makapasok sa probinsya ang mga galing sa karatig-lugar nito.
Sinabi naman ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagpapatupad ng lockdown ay alinsunod na rin ng napagkasunduan ng mga lokal na pamahalaan sa buong rehiyon upang labanan ang pagkalat ng naturang sakit.
Kaugnay nito, nilinaw ni Inday Sara na maaari nilang bawiin ang lockdown makalipas ang 7 araw depende sa magiging resulta nito.
Batay naman sa taya ng Department of Health (DOH) sa Davao region, isa na ang kumpirmadong kaso sa rehiyon, habang 88 ang patient under investigation (pui) at 3,960 ang person under monitoring (pum).