International News
14-day mandatory home isolation, iniutos sa mga biyaherong papasok sa Dubai
Sisiyasatin ang lahat ng mga biyahero na papasok ng bansang Dubai na kinukonsidera na kasama sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) hotspot na dumaan sa isang mandatory 14 day home quarantine, ito ang pahayag ng Dubai Health Authority araw ng Miyerkules, Marso 11.
Ayon sa DHA official, ang panibagong paraan ay makakatulong sa bansa upang malimitahan ang paghawa ng virus at maiwasan ang pag hawa nito sa mga tao.
Samantala, ang mga bansa na kasama sa COVID-19 hotspot ay China, Hong Kong, Italy, Iran, South Korea, Japan, Germany, Singapore, France atbp.
Pinaalalahanan ang mga biyahero na iwasang makipag halubilo gaya ng pagpasok sa opisina o sa paaralan sa nasabing 14 day home quaratine.
Ulat ni: Noe Balagon