Connect with us

147 miyembro ng NPA, sumuko sa MIMAROPA

147 miyembro ng NPA, sumuko sa MIMAROPA

Regional

147 miyembro ng NPA, sumuko sa MIMAROPA

Umabot sa 147 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagbalik-loob sa gobyerno sa MIMAROPA mula Enero-Nobyembre 24 ngayong taon.

Ito ang iniulat ni PRO MIMAROPA Regional Director Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia, kung saan ang pinakahuling sumuko ay ang 4 na rebelde sa Oriental Mindoro.

Kinilala ang mga sumuko na sina Ka Daniel, Ka Jason, Ka David, at Ka Robin, pawang mga miyembro ng Platoon Dos ng Kilusang Larangang Gerilya-Mark Anthony Velasco (KLG-MAV) sa ilalim ng Lucio de Guzman Command ng Sub-Regional Military Area (SRMA-4D), Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC).

Ibinaba rin nila ang cal. 38 revolver, improvised cal. 45 pistol at mga bala.

Tinutulungan na ng 10th Special Action Battalion ng PNP Special Action Force (SAF) ang mga dating rebelde para ma-enroll sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.

More in Regional

Latest News

To Top