National News
DOH, nilinaw na ligtas at epektibo pa rin ang mga COVID-19 vaccines na may extended shelf life
Ligtas at epektibo pa rin ang vaccines na may extended shelf life na itinuturok sa publiko.
Ito ang nilinaw ng matapos mapag-alaman ng ahensya na may mga nagdududa sa mga bakunang ibinibigay ngayon sa publiko dahil sa pinalawig na shelf life na hindi napalitan sa label ng bawat vial ng bakuna.
Binigyan-diin ng DOH na ang proseso ng pag-extend ng shell life ay dumadaan sa masusing “stability studies”.
Sinisiguro rin anila ng pamahalaan na bawat bakunang itinuturok na may extended shelf life ay dumaan sa masusing pag-aaral.
