Regional
15 baboy sa Pangasinan, positibo sa African Swine Fever
NAGPOSITIBO sa African Swine Fever (ASF) ang 15 mula sa 60 mga baboy na ipinasok sa Pangasinan mula sa lalawigan ng Bulacan.
Ito ang kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan matapos lumabas ang resulta ng sample na nakuha sa mga baboy na galing sa bayan ng Bustos.
Dahil dito, idineklara nang ground zero ng ASF ang barangay Baloling sa mapandan na siyang pinagbagsakan ng mga infected na baboy.
Agad ding nagpatupad ang Pangasinan LGU ng mga hakbangin upang pigilan ang paglaganap ng virus tulad ng pagsasagawa ng culling o pagpatay sa mga apektadong baboy.
Sasampahan naman ng kaukulang kaso ng otoridad ang mga magbababoy na nagpasok ng mga baboy.
Sinabi ni Pangasinan Governor Amado Espino III na nakalusot sa kanilang lalawigan ang mga baboy matapos na iwasan ng mga nagdedeliver nito ang kanilang Animal quaratine checkpoints.