Connect with us

150 na mga babaeng bilanggo, nakinabang sa free legal service ng DOJ

150 na mga babaeng bilanggo, nakinabang sa free legal service ng DOJ

National News

150 na mga babaeng bilanggo, nakinabang sa free legal service ng DOJ

Umabot  sa 150 Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang nakinabang o nabigyan ng libreng serbisyong legal.

Isinabay sa ika-126 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ang culminating activity na pinangunahan ni DOJ Undersecretary Deo Marco sa tulong ng Public Attorney’s Office(PAO)  at ng Arellano University School of Law.

Layunin ng proyekto na masigurong mabibigyan ng legal services ang mga bilanggo at representasyon sa  pagharap sa hukuman kahit kapos sila sa pinansyal na aspeto.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng naunang inilunsad ng Department of Justice (DOJ) kamakailan na tinawag na “Katarungan Caravan”.

More in National News

Latest News

To Top