Connect with us

150 pamilya sa Batangas, pinayagan nang makauwi

Pinayagan nang makauwi sa kani-kanilang tahanan ang nasa 150 pamilya mula sa pitong barangay sa Mataas na Kahoy, Batangas, kagabi, araw ng Huwebes.

National News

150 pamilya sa Batangas, pinayagan nang makauwi

Pinayagan nang makauwi sa kani-kanilang tahanan ang nasa 150 pamilya mula sa pitong barangay sa Mataas na Kahoy, Batangas, kagabi, araw ng Huwebes.

Kabilang sa mga pinahintulutang nang makabalik sa kanilang mga bahay ay ang mga residente ng Barangay 1, 2, 2-a, 3, 4, Kalingatan at Upa.

Ayon kay Mayor Janet Ilagan, ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ng kung saan ibinigay nito ang listahan ng mga ligtas at high-risk na lugar.

Bago pauwiin ang mga evacuees ay pinabaunan ito ng relief goods.

Patuloy namang ipinapatupad ang total lockdown sa Lumang Lipa, San Sebastian, Bayorbor, Nangkaan, Kinalaglagan, at Manggahan.

Habang partial lockdown naman ang ipinaiiral sa Barangay Santol, Loob at Bubuyan.

Magugunitang noong Miyerkules nang magpatupad ng forced evacuation sa Bayan ng Mataas na Kahoy, Batangas.

More in National News

Latest News

To Top