Connect with us

150 Pinoy, apektado ng lockdown sa Wuhan City Sa China – DFA

Tinatayang 150 na Pinoy ang apektado ng lockdown sa Wuhan City sa China ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

National News

150 Pinoy, apektado ng lockdown sa Wuhan City Sa China – DFA

Tinatayang 150 na Pinoy ang apektado ng lockdown sa Wuhan City sa China ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Shanghai sa mga ito upang mabantayan ang kondisyon.

Inatasan din ng konsulada ang Filipino community leaders sa lugar na bigyang tulong ang mga Pinoy partikular na ang mga Filipino Tourist o yung mga nasa doon lamang para sa short-time visit.

Magsasagawa naman ng emergency meeting ang Migrant Workers Affairs ng DFA ngayong araw upang alamin ang mga hakbang na gagawin upang tugunan ang health emergency.

Nagpaalala ang DFA ang mga Pinoy sa China na maging maingat at sumunod sa mga abiso ng health autorities upang maging ligtas laban sa pagkalat ng coronavirus.

More in National News

Latest News

To Top