COVID-19 UPDATES
15,000 sets ng PPEs, naipamahagi na sa mga referral hospitals
Naipamahagi na ng Office of the Civil Defense (OCD) ang 15,000 sets ng personal protective equipment (PPEs) na first batch ng halos 1-milyong binili ng gobyerno para sa mga frontliners ng Coronavirus Diseas 2019 (COVID-19).
Sa virtual presser ng Department of Health (DOH), sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa mga naambunan ng unang batch ng PPEs ang mga ospital tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Medical Center, East Avenue Medical Center, San Lazaro Hospital, Lung Center of the Philippines, Philippine General Hospital at Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital.
Photo Courtesy: Office of Civil Defense
Sa ngayon, minamadali na ng DOH ang arrangements para sa transportasyon ng natitirang 885,000 PPEs.
