Connect with us

Former spox ni Imelda Marcos, malaki ang pasasalamat sa NTF-ELCAC

Former spox ni Imelda Marcos, malaki ang pasasalamat sa NTF-ELCAC

National News

Former spox ni Imelda Marcos, malaki ang pasasalamat sa NTF-ELCAC

Malaki ang pasasalamat ng dating spokesperson ni former First Lady Imelda Marcos na si Cherry Cobarrubias sa paggawa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Alam mo ‘yung deklerasyon ng Martial Law. ‘Yun ang nagligtas sa bayan natin kaya hindi tayo naging kumunista. The declaration of Martial Law was the best thing that really happen in our country, napakagulo ng bayan natin,” ani Cobarrubias.

Pinuri rin ni Cobarrubias ang mga dating kadre ng CPP-NPA-NDF katulad ni Ka Eric at ang Sonshine Media Network International (SMNI) na walang takot na nagbubulgar ng katotohanan.

Ikinatuwa din nito na marami na ngayong nagsasalita sa katotohanan kaugnay sa pag-deklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ng martial law.

Dagdag pa ni Cobarrubias, napilitan si dating Pang. Marcos Sr. na mag-deklara ng martial law dahil sa kaguluhan na nangyayari sa bansa noon.

Umaasa rin si Cobarrubias na maitatama na ang history books ng bansa dahil nababahiran na ng NPA doctrine ang mga estudyante at pati mga guro.

Pinuri rin ni Cobarrubias si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI sa paglalahad nito ng kasamaan ng CPP-NPA-NDF.

“Nagpapasalamat ako talaga dito kila, itong mga, alam mo ‘yung buuin ng dating presidente natin si tatay Digong ‘yung NTF-ELCAC, alam mo sobra-sobra ang aking pasasalamat nung naglalabasan na itong sila Ka Eric, ang galing-galing at tsaka ‘yung inyong suporta talaga para lumabas ang katotohanan napakaganda,” dagdag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top