Connect with us

Hindi pa sapat ang 100 araw upang husgahan ang administrasyon – Pastor Apollo

Hindi pa sapat ang 100 araw upang husgahan ang administrasyon – Pastor Apollo

National News

Hindi pa sapat ang 100 araw upang husgahan ang administrasyon – Pastor Apollo

“So sa 100 days nakita ko na, hindi pa natin pwedeng ma-judge ang isang administrasyon within that 100 days, kundi kung ano ang nangyayari. So, anong nangyayari? Hindi naman siguro sasabihin mong Marites, pero through the grapevine, marami tayong naririnig na hindi tama eh na hindi dapat na madamay ang pangalan ng ating pangulo,” ani Pastor Apollo.

Ito ang sinabi ni SMNI Honorary Chairman, Pastor Apollo C. Quiboloy nang siya ay tanungin tungkol sa kaniyang inisyal na assessment sa administrasyong Marcos.

Sa kaniyang programang Spotlight ngayong Huwebes, sinagot ng butihing Pastor ang tanong na ipinadala ni Political Analyst, Professor Anna Malindog-Uy, patungkol sa kaniyang “honest to goodness” initial assessment gayong nalalapit na ang ika-isangdaang araw ng pamumuno ni PBBM.

Unang binanggit ni Pastor ang pagpunta ni PBBM sa Amerika para sa UN General Assembly upang magbigay talumpati sa harapan ng international community, at ang pakikipagdayalogo niya sa mga business leaders sa New York Stock Exchange.

Sinabi ng butihing Pastor na sang-ayon rin siya sa mga pananaw ni Prof. Malindog-Uy na maraming interpretasyon sa talumpati ni Pangulong Marcos partikular na sa sinabi ng presidente na hindi niya nakikita ang hinaharap ng Pilipinas kung wala ang Estados Unidos bilang ka-partner o kaalyado.

“Iyong speech ng ating pangulo, maganda sa UN. Pero merong isa doon na sabi niya na, ‘I cannot see the future without the United States as our partner.’ So, it is subject to many interpretations. Ang interpretasyon ko doon is about economics na partner talaga natin ang Amerika diyan sa economics. Pero sa pagtatayo as a sovereign, eh hindi tayo pwedeng hindi independent. Independent talaga ang foreign policy natin,” dagdag pa ng butihing pastor.

Sinabi din ni Pastor Apollo na hindi maaring maging tuta ang Pilipinas ninuman.

Pagdating naman sa mga tinuturing na “hardcore issues” tulad ng peace and order, pagsugpo sa iligal na droga, insurhensya, at kurapsyon, ito ang assessment ni Pastor Apollo.

Muli namang binanggit ng butihing Pastor ang decision ni National Security Advisor Clarita Carlos patungkol sa pag-institutionalize ng National Taskforce o NTF-ELCAC.

Matatandaan na noon ay nais lamang gawing council ni Sec. Carlos ang NTF-ELCAC, ngunit ngayon ay kumbinsido na siyang mai-institutionalize ito upang mai-pagpatuloy ang tagumpay ng gobyerno laban sa makakaliwang grupo.

“Maganda iyong nangyari sa kanilang talakayan sa NCIP at naliwanagan siya about NTF-ELCAC. Iyon, isang napakalaking improvement. Kaya Prof. Clarita Carlos, hangang-hanga ako sa’yo noon pa sa ating mga presidential debates, lalo mo akong pinahanga ngayon na ikaw pala’y open-minded na ‘pag naintindihan mo ang isang bagay kaagad-agad nagbabago ang isip mo at tinatanggap mo kung ano’ng tama. You have to be there. Iyon ang nakikita ko,” saad pa ng butihin pastor.

Una nang pinasalamatan ng butihing Pastor si Sec. Carlos sa kaniyang statement patungkol sa NTF-ELCAC sa kanyang programang Powerline noong Miyerkules, at hinimok ang mga mambabatas na apruhaban ang pag-institutionalize nito upang makakuha ito ng mas malaking pondo para maipagpatuloy ang programa laban sa insurhensya.

Pinatutsadahan naman ni Pastor Apollo ang mga vloggers na nag-aakusa na siya’y kontra umano sa pangulo, at sinabing wala siyang ibang poprotektahan kung di si Pangulong Bongbong Marcos at Bise Presidente Inday Sara Duterte lamang dahil sila ang ibinioto ng mga Pilipino at hindi ang mga nakapalibot sa kanila na nagnanais na magkaroon ng parehas na kapangharihan o mas makapangyarihan pa sa kasalukuyang pangulo.

More in National News

Latest News

To Top