Connect with us

Pastor Quiboloy, pabor na ibalik ang 1935 Constitution

Pastor Quiboloy, pabor na ibalik ang 1935 Constitution

National News

Pastor Quiboloy, pabor na ibalik ang 1935 Constitution

Pabor si Pastor Apollo C. Quiboloy ang honorary chairman ng SMNI na ibalik ang 1935 Constitution.

Ito’y matapos irekomenda ni Chief Presidential Adviser Juan Ponce Enrile na ibalik ang bansa sa 1935 Constitution dahil aniya, ginawang komplikado ng kasalukuyang charter ang probisyon mula sa 1935 at 1973 Constitutions.

Matantandaan na itinatag ang 1935 Constitution habang ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamumuno ng Amerikano habang itinatag naman ang 1973 Constitution kasunod ng deklarasyon ng Martial Law.

“Ang argumento ni Senator Juan Ponce Ennrile na chief presidential adviser ng pangulo ay ibalik ang 1935 Constitution, payag ako dun. Inulit kasi ‘yan para i-tailor made para kay Cory Aquino at mga komunista. ‘Yan ay kampi sa makakaliwa na detrimental sa atin,” ani Pastor Apollo.

Kaugnay nito ay muling iginiit ni Pastor Apollo na dahil sa Martial Law ay nailigtas ang ating bansa mula sa komunismo.

“Pagka may imminent danger to protect and save the country from those who wants to topple it, kailangan merong power ang pangulo na magdeclare ng martial law. Kung hindi nag-declare ng Martial Law si Pres. Marcos, nangananib na ang Pilipinas na babagsak sa kamay ng komunista ay komunista na tayo ngayon, ginamit lang si Marcos,” dagdag pa ng butihing pastor.

Samantala, pabor din ang butihing pastor sa panukala ni Chief Presidential Legal Counsel Enrile na dagdagan ang mga senador sa bansa dhil sa lumalaking populasyon.

Sa ngayon, ang Senado ay binubuo ng 24 senador.

More in National News

Latest News

To Top