National News
CEISSAFP, may bagong commander
Itinalaga si Navy Captain Marcos Imperio bilang bagong commander ng
Ang change of command ceremony na ginanap sa CEISSAFP headquarters, Camp Aguinaldo, Quezon City ay pinangunahan ni AFP acting Vice Chief Of Staff Vice Admiral Rommel Anthony Reyes.
Pinalitan ni Imperio si Colonel Joselito Lopena na pinamunuan ang CEISSAFP sa acting capacity mula noong Agosto 2022.
Ang CEISSAFP ay isang support unit ng militar na tumitiyak sa communications, electronics at information systems para sa epektibong command, control at administration ng Sandatahang Lakas.