Connect with us

15th Waterlily Festival, idinaos ng Las Piñas

15th Waterlily Festival, idinaos ng Las Piñas

National News

15th Waterlily Festival, idinaos ng Las Piñas

Nakakaindak, makulay at puno ng saya.

Ito ang vibes na mararamdaman sa isinagawang 15th Waterlily Festival ng Las Pinas.

May be an image of 1 person and standing

Bida sa festival ang mga magagandang handicrafts na gawa sa Waterlily.

Naging elemento din ang waterlily sa dance costumes at Filipiniana na inirampa sa mga pa-contest na hybrid na isinagawa dahil sa umiiral na pandemya.

Sa Waterlily Festival ay nagpakitang gilas din ang mga kabataan ng kanilang angking talento sa pagsayaw sa Sayaw Kabataan Para sa kalikasan dance contest.

Tampok dito ang grupo ng mga kabataan mula sa ibat-ibang baranggay na naglalaban laban para sa kampyonato.

Para manalo kailangan may kasamang waterlily sa kanilang props, costume o di kaya sa kanilang background.

May be an image of 5 people

Nanalo naman bilang grand champion sa Sayaw Kabataan Para sa Kalikasan ay ang Baranggay Elias Aldana na nag-uwi ng P30,000.

Samatala, 20 kababaihan mula sa bawat baranggay din ang nagpatalbugan ng talino at ganda sa ginanap na MS. Waterlily 2022.

Bahagi ng kanilang contest ang pagrampa na naka Filipiniana 100% gawa sa waterlily.

Base sa desisyon ng mga hurado ay napili bilang Ms. Waterlily 2022 ay si Therese Glorianne Alamirez ng  Brgy. Pilar na nag-uwi ng P30,000 na may kasamang, sash, trophy, at plaque.

May be an image of 1 person, sitting, standing and text that says 'Las P w IS ATERLILY 5 CUAMDIO CHAMPION GRAND'

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top