National News
16 domestic flight sa NAIA, kanselado dahil sa sama ng panahon
Kanselado ang 16 na domestic flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Lunes, ika-28 ng Agosto, dahil sa sama ng panahon.
Sa abiso ng MIAA Media Affairs Division Office, kanselado ang 6 na biyahe ng Cebu Pacific sa pagitan ng Manila, Tuguegarao at Cauayan, Isabela.
Habang 8 naman ang kanseladong flights ng CebGo na biyaheng Balikan mula Manila patungong San Jose, Masbate at Naga.
Apektado din ang 2 biyahe ng airSWIFT sa pagitan ng Manila at El Nido Palawan.
Patuloy na nakamonitor ang MIAA sa posible pang pagdagdag ng mga biyaheng maapektuhan dahil sa nararanasang sama ng panahon.
